(Dulot ng lindol, baha at transport strike) KLASE SUSPENDIDO HANGGANG BIYERNES

SUSPENDIDO ang klase sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ang mga apektadong lugar dahil sa pagbaha dulot ng masamang panahon kung kaya’t sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Albay, Northern Samar at Calbayog City.

Suspendido rin ang pasok sa trabaho sa government at private companies sa Northern Samar maliban lamang sa mga pumapasok sa mga disaster management, health services, at public safety para sa pamamahagi ng pagkain, tubig at gamot.

At dahil naman sa transport strike, apektado rin ang mga estudyante ng Angeles City at buong lalawigan ng Pampanga kaya’t walang face-to-face classes at sa halip ay online o modular na lamang sa Bamban, Tarlac at suspendido ang klase sa Trece Martires sa Cavite, all levels, pampubliko at pribadong paaralan.

Dahil naman sa magnitude 6.8 quake, wala pa ring pasok sa lahat ng antas ng klase, pampubliko at pribadong paaralan sa General Santos City, South Cotabato at buong probinsya ng Sarangani, hanggang Nobyembre 24.

Paralisado rin ang klase dahil sa transport strike sa Bulacan partikular ang bayan ng Calumpit at Malolos City hanggang Biyernes at sa Laguna apektado ang mag-aaral sa Cabuyao at sa lahat ng antas sa Calamba City. EUNICE CELARIO