KINUKUMPIRMA ng Office of Civil Defense ang operating arms ng National Disaster Risk Reduction Management Council ang naganap na landslide sa Monkayo, Davao de Oro.
Sa inisyal na ulat, may pitong patay habang sampu ang nawawala sa nangyaring landslide bandang alas-12 ng tanghali nitong Huwebes.
Bunsod umano ito ng tuloy tuloy na pag-ulan dala ng nararanasang shearline, gumuho ang lupa sa isang mining area sa Purok 20, Pag-asa, Barangay Mt. Diwata sa Monkayo.
Bukod sa inulat na sampung nawawala ay may dalawa katao ang sinasabing sugatan.
Ayon kay Jergrace Cabag, information officer ng LGU Monkayo, pansamantalang inihinto muna ang search and rescue operations dahil pinangangambahang gumuho ulit ang lupa.
Nakaranas ng pag-ulan ang Davao region simula Lunes dahil sa shear line weather system na nagdudulot din ng malawakang mga pagbaha sa iba’t ibang panig ng lalawigan. VERLIN RUIZ