DUMAGUETE RECLAMATION PROJECT MALABO NA

WALANG pag-asa na muling mabuhay pa ang proyektong reclamation sa Dumaguete, ayon sa isang grupong kontra sa proyekto.

Sinabi ni Gary Rosales, tagapagsalita ng grupong kontra sa proyekto, mahihirapan ang alkalde ng Dumaguete na muling mailahad ang proyekto dahil karamihan sa miyembro ng city council ay kontra rito.

“Marami sa mga nanalong konsehal ay tumakbo ilalim ng NoTo174Reclamation,” ayon kay Rosales sa isang pahayag.

Iginiit pa ni Rosales na maging ang bagong gobernador ng Dumagiluete ay kontra sa reclamation bukod pa sa may problema ang real estate sector ng China..

Sinabi pa ng tagapagsalita ng grupo, matapos ang kumpirmasyon ng Philippine Reclamation Authority, ang reclamation project ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co, ay biglang nawala sa listahan ng “considered projects” ng PRA dahil sa matinding pagtutol ng mamamayan ng nasabing lugar.

Ang pagkapanalo ng 10 kagawad ng konseho ng Dumaguete City laban sa kampo ng Lupad nang nahalal muli na si Mayor Felipe Antonio Remollo ay patunay na ayaw ng mamamayan sa174-hectare Smart City reclamation project na isinusulong ng alkalde.

Nakasaad sa batas na kailangan ng mayor ang pagpayag ng city council sa pagpapatupad ng proyekto lalo na yung may mga pinapasok na kontrata.

Ang P23 bilyong proyekto ay pag-aari ng EM Cuerpo, isang local construction firm.

Kwestyonable rin ang construction firm dahil sa umano’y financial capacity nito sapagkat ang net assets ay nasa P1.4 billion lang noong 2020.

Ang pagpasok ng Guandong-based Poly Changda Overseas Engineering Co. bilang sub-contractor ng EM Cuerco ay mas higit na nagbigay ng pagdududa na ang P23 billion reclamation project ay pinondoha ng kapitalista mula sa China.

Ang Poly Changda Overseas Engineering Co. ay pinapatakbo ng pamahalaan ng China.
EVELYN GARCIA