FORT DEL PILAR, BAGUIO CITY- HALOS nasa 45 percent o 882 na miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association ang nabawas sa dumalo sa taunan nilang homecoming na ginananap noong Pebrero 22.
Ayon kay PMA Spokesperson Capt. Cherryl Tindog, 1,018 na cavaliers lamang ang dumating na mas maliit ng 882 o halos 45 percent kumpara sa 1,900 cavaliers noong isang taon.
Pinakamatanda naman sa dumalong alumni ay si Cavalier Carlos Chuck Agustin ng PMA Class 1959 na may edad 83, habang youngest ay si Cavalier James Benedict Barranco, 22-anyos ng PMA Class 2019.
Pinakamaraming class na nag-attend ay 2019 na may 93 cavaliers.
Paliwanag ni Tindog, ang lumiit na bilang ay bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) habang iginiit na sadyang naghigpit sila ngayong taon para proteksiyunan ang kanilang kadete.
Hindi naging open sa media coverage ang event at naging pribado, subalit sa gate ng PMA ay inestima o hinarap ni Tindog ang ilang media practitioners para sa update ng nasabing event. EUNICE C.
Comments are closed.