NAALARMA ang environment group na Greenpeace Philippines sa patuloy na paglakas ng Pinoy sa pagkain ng karne ng baboy, manok at baka o tinatawag na industrial meat at processed canned goods bunsod ng masamang epekto nito sa kalusugan ng tao at kalikasan.
Ayon kay Virginia Benosa, food and ecological agriculture campaigner ng Greenpeace, panahon na para bawasan ng mga Pinoy ang pagkain ng karne o red meat dahilan sa karamihan sa mga ito ay ginagamitan ng kemikal gaya ng feeds na may antibiotic mula sa malalaking poultry fams o piggery na may masamang epekto sa kalusugan ng tao ay may malaking kontribusyon sa obesity, cancer, heart disease at diabetes.
Napuna ni Benosa na karamihan sa mga Pinoy ay tumitigil lamang sa pagkain ng mga industrial meat kung ito ay ipinagbawal na ng doktor bunsod ng pagkakaroon ng malubhang sakit.
Matatandaan sa ipinalabas na 2017 Social Weather Station Survey, ibinunyag ng SWS na nasa 46 porsiyento ng mga Pinoy mula sa urban areas ay mas tinatangkilik ang pagkain ng karne sa loob ng buong linggo kumpara sa masustansiyang prutas at gulay na naobserbahan din ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng DOST.
Maging ang World Health Organization (WHO) ay nangangamba rin sa anilay “global health emergency” dulot ng masamang epekto sa kalusugan na may epekto rin sa kalikasan kung kayat dumarami ang nangyayaring deforestation kung saan ang mga agricultural lands na pinagtataniman ng pagkain ng tao ay na coconvert bilang malalaking farm ng mga hayop, cattle raising o lugar na taniman ng mais o soya para may maipakain sa mga hayop sa halip na sa tao.
Kasunod nito, inirekomenda ni Benosa na makabubuting tangkilikin ng mga Pinoy ang pagkain ng ecological plant based gaya ng prutas at gulay, legumes o mga organic urban gardening o galing sa backyard na pagkain na karaniwan ay hindi ginamitan ng pesticides o insecticides para makaiwas sa anumang pagkakasakit.
Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo, hinikayat ng Greenpeace ang pamahalaang Duterte na gumawa ng mga hakbangin o polisiya para mabawasan ang pagkonsumo ng publiko ng mga industrial meat. Gayundin ang pag-adopt ng programa para i-promote ang ecological farming system, suportahan ang smallholding farmers at pag-establish ng Food Council na responsable sa pag-develop ng ipaiiral na polisiya, pagplano at programa hinggil sa pagkain ng prutas at gulay. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.