Dumating ang Santo Niño de Cebu sa Pilipinas noong 1521

ANG Santo Niño de Cebu, icon ng Child Jesus, ay dinala ng Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan sa bilang regalo sa reyna ng Cebu na si Juana noong 1521, at siyang sentro ng pananalig.

Sa lahat ng Filipino, ito ang simbolismo ng Kristiyanismo sa bansa sa loob ng 500 taon. Nagsimula ito sa imahe ng Holy Child, na tinatawag na Santo Niño. Si Reyna Juana ay bininyagan bilang Katoliko kasama ang 800 pa nilang nasasakupan.

Sa ngayon, ang orihinal na imahe ay permanenting nakalagay sa bulletproof glass sa loob ng chapel ng Basilica del Santo Niño.

Sa mga nagdaang dantaon, ang imahe ng Santo Niño de Cebú ay pinaniniwalaang mapagmilagro mula sa pagpapagaling ng maysakit hanggang sa pagkakaroon ng anak. – SHANIA KATRINA MARTIN