Ma. Luisa Macabuhay-Garcia
Posibibldeng gamitin ang biogas mula sa dumi ng hayop particular ang kalabaw at iba pang organic animal manure bilang solusyon sa problema ng enerhiya sa bansa.
Malaki umano ang posibilidad na magamit itong renewable energy at maaari pang makakatulong sa greenhouse effect na nararanasan ng bansa.
Kamakailan, binisita ng Department of Agriculture (DA)Livestock Program, DA-Philippine Carabao Center at University of Southern Mindanao(DA-PCC at USM) ang Region XII.
Ayon kay DA-PCC at USM Center Director Geoffray R. Atok, malaki ang potensyan ng biogas na nakukuha sa dumi ng hayop upang maging gawing renewable energy solution sa mga magsasaka. Mababawasan na ang kanilang basura, magkakaroon pa sila ng kuryente.
Magsasagawa umano sila ng malawakang pag-aaral ditto upang maisagawa agad ang proyekto dahil malaking tulong ito sa sector ng agrikultura.
Paliwanag pa ni Atok, magkakaroon ng masusing pag-aaral ang mga eksperto hinggil sa bagay na ito matapos magpahayag ng interes ang mga Representatives ng National Livestock Program sa iba’t ibang aspeto ng carabao value chain , kabilang na ang pagpapalago ng breeding , nutrisyon, at marketing nito.
Positibo umano sila sa kolaborasyon, kung saan binibigyang diin ang kahalagahan ng leveraging synergies sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at mga academic institutions upang maisulong ang innovation and sustainable development sa agriculture sector.
Ani Atok, mahalaga ang magiging resulta ng pananaliksik dahil masosolusyunan nito ang problema sa fuel ng bansa.