NAKATAKDANG makipag-pulong ang National Privacy Commission sa mga kinatawan ng Facebook sa Martes, Hunyo 16, hinggil sa mga naglipanang dummy accounts ng mga netizen sa social media.
Ayon kay NPC commissioner Raymund Liboro, tinututukan na nila ang isyu ng mass creation ng mga pekeng Facebook accounts, pati na kung paano mapoprotektahan ang mga impormasyon ng mga Filipino sa social media.
Sinabi ni Liboro, nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga ahensiya ng gobyerno habang nagsasagawa sila ng sariling imbestigasyon.
Una rito, tiniyak ng pamunuan ng Facebook na kanilang iimbestigahan ang mga nagsulputang pekeng accounts ng mga Pinoy at agad nila itong aalisin. DWIZ882
Comments are closed.