ZAMBOANGA CITY – NAPATAY nang manlaban umano sa law enforcement operation ang isa sa itinuturong kabilang sa dumukot sa Italyanong Pari na si Father Gian Carlo Bossi noong Hunyo 10, 2007.
Sa ulat ng pulisya, nanlaban ang suspek na umano’y miyembro ng Waning Abdusalam Group sa Barangay Mampang sa Zamboanga City kaya nauwi ang police operation sa engkuwentro.
Ayon kay Police Captain Edwin Duco, tagapagsalita ng Zamboanga City Police Office, kabilang ang suspek sa mga dumukot sa Italyanong pari sa Payao, Zamboanga Sibugay.
Ayon sa Zamboanga City Police Office, nakuha sa suspek ang ilang blasting caps, detonating cord, electric wire, at isang caliber .45 na baril.
Ang Waning Abdusalam Group ay isang grupo na dating kaanib umano sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) na luminya sa kidnap for ransom at urban terrorism.
Base sa hawak na datos ng PNP, ay sinasabing responsable ang grupong ito sa mga kidnapping cases sa Zamboanga Sibugay at iba pang karatig na probinsya sa Zamboanga peninsula.
Patay sanhin ng dalawang tama ng bala sa katawan ang suspek na agd na inilibing ng kanilang mga kaanak, alinsunod sa tradisyong Islam.
Subalit iginiit ng pamilya ng suspek na hindi totoong sangkot ang kamag-anak nila sa nasabing kidnap-for-ransom group katunayan ay isa itong Imam. VERLIN RUIZ
Comments are closed.