DUMUKOT SA MGA MIYEMBRO NG JEHOVAH WITNESS HULI

arestado

ZAMBOANGA CITY – NADAKIP sa inilunsad na joint law enforcement operation ng pulisya at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf Group na sangkot sa pagdukot sa anim na miyembro ng Saksi Ni Jehovah sa operasyon sa lungsod na ito.

Ayon kay Brig. Gen. Froilan Quidilla, Zamboanga Peninsula regional police  chief,  naaresto sina Jamik Ibrahim, Majuk Amil at Hashim Aming sa joint operations ng pulis at tauhan ng NBI.

Unang nadampot ng mga awtoridd si Aming na kumanta sa kinaroroonan ng mga kasamahan na naging dahilan sa pag-aresto kina Ibrahim at Amil.

Ayon sa pulisya, sangkot si Aming sa pag-kidnap sa anim na Jehovah’s Witness sa Patikul, Sulu taong 2001.

Sangkot naman sina Ibrahim at Amil sa pagdukot sa mga maggagawa ng Golden Harvest noong Hunyo 2001.

Nakatakdang dalhin ang tatlong suspek sa Maynila. VERLIN RUIZ

Comments are closed.