Laro sa Biyernes:
(Mall of Asia Arena)
4 p.m. – Letran vs San Beda (Men Finals)
MULING nagningning si Fran Yu nang gulantangin ng Letran ang San Beda, 65-64, at lumapit sa pagputol sa tatlong taong dominasyon ng katunggali sa NCAA men’s basketball championship kahapon sa Mall of Asia Arena.
Sa Finals opener na walang koponan na lumamang ng mahigit sa anim na puntos, ibinuhos ng Knights ang kanilang lakas upang putulin ang 32-game winning streak ng Red Lions na nagsimula noong Agosto ng nakaraang taon.
Ito rin ang unang talo ng San Beda sa torneo makaraang awtomatikong umabante sa title round sa pamamagitan ng 18-0 elimination round sweep.
Sa posibleng pagkaulit ng kanilang improbable 2015 championship run, ang Letran ay magtatangka sa kanilang ika-18 korona sa Game 2 sa Biyernes, alas-4 ng hapon, sa parehong Pasay venue.
Makaraang tawagan ang Knights ng 24-second shotclock violation, tinangka ng Lions na kunin ang panalo at pangalagaan ang kanilang perfect run sa huling 12.2 segundo subalit sumablay ang tres ni soon-to-be crowned MVP Calvin Oftana.
Si Yu ay nasa tamang lugar sa tamang pagkakataon, kung saan nakuha niya ang rebound at na-foul ni Cameroonian center Donald Tankoua sa huling 2.4 segundo.
Bagama’t nagmintis si Yu sa dalawang free throws – ang pangalawa ay sinadya dahil may isang time out pa na nalalabi ang San Beda – nakuha ng Letran ang possession sa likod ni King Caralipio upang selyuhan ang panalo.
Tumapos si Yu na may 10 points, 6 assists, 3 rebounds at 3 rebounds.
“Being the league’s Most Improved Player eh, nakaka-add up sa kanyang confidence. He wants to prove something to the Letran community,” wika ni coach Bonnie Tan on Yu.
Iskor:
Letran (65) – Batiller 12, Balanza 10, Yu 10, Ambohot 9, Muyang 7, Reyson 7, Mina 3, Ular 3, Caralipio 2, Sangalang 2, Balagasay 0, Oli-vario 0.
San Beda (64) – Nelle 20, Canlas 11, Oftana 11, Tankoua 7, Soberano 6, Bahio 4, Doliguez 3, Etrata 2, Abuda 0, Cuntapay 0, Alfaro 0.
QS: 17-18, 28-32, 47-44, 65-64
Comments are closed.