SA panahong ito ng computer, kung saan ang libangan ng kabataan ay mga larong digital, kahit pa ang sabong at bingo, bihira na ang nakaaalam sa duplo na isa sa mga itinuring anyo ng panitikang Filipino. Ito ay tulang padula, ngunit walang script at wala ring director, dahil ginagawa ito ng impromptu, ng patula at ginagampanan ng mga tauhang hindi man lamang nag-practice.
Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos ito sa loob ng bahay o bakuran ng namatay ng mga nakiipaglamay. Maituturing itong isang uri ng ating panitikan, na kabilang sa dulang panlibangan na ginagawa ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. Ito ay paligsahan sa husay sa pagbigkas ng pangangatuwiran na patula.
Ang Duplo ay isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan na may kaugnayan sa kamatayan ng isang tao at may layuning aliwin ang mga naulila. Ito ay patula ngunit hindi nangangailangan ng palagiang sukat at tugma. Ang duplo ay may tauhang bilyako at bilyaka. Walang iisang paksa dito, at masasabing isa itong madulang debate kung saan ay isa ay magbibintang na krimen sa isa pa na magtatanggol sa kanyang sarili. Hahatiin sa dalawang grupo ang mga magdedebate, kung saan ang isa ay inaakusahan ng krimen, habang ang isang grupo naman ay nag-aakusa.
Tinatawag na duplero ang mga lalaki at duplera naman sa babaeng kasali sa duplo. Ang mga magtatanggol ay tinatawag na bilyako at bilyaka. Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng hari sa pagpalo sa palad ng sinumang nahatulang parusahan. Pwede ring walang palmatorya at sa halip ay pagpitik sa ilong o sa tenga ang magiging parusa.
Pwede ring ang parusang ipapataw ay pagpapabigkas ng mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay
May iba’t ibang uri ng duplo. Una ay ang Binayabas. Ang Binayabas ay tungkol sa kahit anong bagay na. maisip ng mga manlalaro. Madalas itong ginagamit ng mga bago pa lamang duplero at hindi pa sanay sa pakikipagtunggalian ng tula.
Ang ikalawa ay ang Historia-Vino. Alo-divino ang tawag dito, na tungkol sa Diyos at banal na bagay. Ito ay tungkol sa buhay ng. Diyos, santo at anghel.
Alo-humano/alo-mano naman ang tawag kapag tungkol sa relasyon ng tao at Diyos. Tungkol ito sa mga bayani, propeta, mitolohiya at iba pa.
Sa Historia-mano ay tinatalakay ang kasaysayan ng tao o bansa. Kadalasang tinatalakay dito ang mga sultanato sa Pilipinas at mga bagani nito, ang mga binukot, at ang mga prinsipe.
Sa Ley/lai, tinatalakay naman ang tungkol sa batas ng Lipunan. Pagtatalunan dito kung makatarungan ba ang isang batas, at ang hari ang magpapasiya kung alin ang mananalo. Ang pipiliing hari ay siyang magpapasiyav
Parang bugtong (riddles) naman ang Talinghaga. Magbibigay ng bugtong ang hari na sasagutin ng isa sa mga bilyaka. Kapag nasagot ang bugtong ay ang bilyaka naman ang magbibigay ng isa pang bugtong, at isang puntos naman ang mapupunta sa sa kanyang grupo. Kapag hindi nasagot ng napiling bilyaka o bilyako ang bugtong ay parurusahan siya.
Napakasarap alalahanin ang nakaraan at ang simpleng pamumuhay ng mga Filipino noong unang panahong ni hindi pa uso ang TV at radio. Nabuhay siya ng malusog at masaya na walang inaalalang anupamang bagay. Kung maibabalik lamang sana ang panahon … ngunit kailangan nating sumulong at umunlad, dahil ito ang batas ng panahon.NLVN