MAAARING maharap sa kasong ‘gross negligence’ si Department of Health Secretary Francisco Duque III matapos ilabas ng Commission on Audit (COA) ang ulat ukol sa COVID-19 funds.
Ito ang sinabi ni Senador Risa Hontiveros matapos tanungin ukol sa maaaring kasong isasampa kay Duque.
“It is possible. Isa nga doon sa mga charges na may arise from the findings of the COA observation report, posible nga, ‘yung gross negligence, ‘yung neglect of duty. This could be one of the issues raised against Secretary Duque,” ani Hontiveros.
Kamakailan ay naglabas ng ulat ang COA sa hindi paggamit ng DOH ng P67.32 billion na pondo na inilaan sa paglaban sa COVID-19.
Dagdag pa ng senador, sapat sana ang pondong ito para sa mga health worker at medical supplies.
“Malaking halaga ‘yung P67 billion, it is nothing to sneeze at. Sapat sana yan sa benepisyo, sa tamang pasahod sa medical workers, sa medical supplies, libreng serbisyong pangkalusugan, at dagdag ayuda sa mga nangangailangan.”
Base sa COA findings, sinabi ni Hontiveros na marami ang mga Pinoy na napagkaitan dahil sa hindi paggamit ng pondo.
“Given the COA findings, it seems DOH is depriving thousands of Filipinos of medical services in the face of this national emergency. That is nothing short of criminal,” ani Hontiveros.
Una rito ay inatasan ng Pangulong Duterte ang COA na itigil ang flagging sa mga proyekto ng gobyerno.
LIZA SORIANO
451772 176810There is noticeably a bundle comprehend this. I suppose you made specific good points in functions also. 303730
481589 273023I like this website extremely significantly, Its a actually good situation to read and get information . 887043
175931 328453Fantastic post, thanks so considerably for sharing. Do you happen to have an RSS feed I can subscribe to? 991107
860037 277952Glad to be one of several visitants on this remarkable internet internet site : D. 287839
762556 373598Ill create a hyperlink towards the web page about my private weblog. 394398