DUQUE NO SHOW SA  PRELIM INVESTIGATION SA DENGVAXIA

HINDI  sumipot sa Department of Justice (DoJ) si Health Secretary Francisco Duque III sa pagpapatuloy ng preliminary investigation sa kasong isinampa ng Public Attorney’s Office (PAO) sa pagkamatay ng mga batang   sinasabing tinurukan ng Dengvaxia vaccine.

Si Duque ay  kinasuhan dahil ipinagpatuloy  pa rin nito ang dengue immunization program ng pamahalaan kahit alam nitong mapanganib ang naturang bakuna.

Dumalo sa imbestigasyon si dating Health Secretary Janette Garin na kalihim ng DoH nang ipatupad ang immunization program.

Pinanumpaan  ni Ga­rin ang kanyang kontra salaysay sa harap ng DoJ panel. Nagsumite rin ng kontra salaysay  sina Dr. Lyndon Lee Suy, Dr. Gerardo Bayugo at iba pang dati at kasaluku­yang opisyal ng DoH na respondent sa kaso.

Ang mga akusado ay nahaharap  sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, torture resulting in the death of any person at torture committed againts children na paglabag sa RA 9745.

Nag-ugat  ang kaso sa iniharap na reklamo ng siyam na magulang dahil sa pagkamatay ng kanilang mga anak matapos maturukan ng Dengvaxia.

Comments are closed.