SALITANG Latin ang ‘Dura Lex Sed Lex’ na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay ‘It is harsh, but it is the law’. Sa Filipino, ang ibig sabihin nito ay ‘Ang Batas ay Batas’.
Nabanggit natin ang salitang ito dahil sa dami ng mga taong lumalabag sa batas.
Kabilang dito ang mga opisyal, kawani at ordinaryong mamamayan. Ang mga ito, ayon sa itinatadhana ng batas, ay marapat lamang patawan ng kaukulang kaparusahan at hindi kailanman dapat maabsuwelto sa krimen o pagkakasalang kanilang nagawa.
Si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte mismo ang nagsabi kamakailan sa kanyang public address na “I will not forgive anyone who breaks the law.”
May 23 barangay officials, ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano, ang sinampahan ng kasong kriminal dahil sa mga anomalya hinggil sa pamamahagi ng tulong pinansiyal sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Target din nito ang umano’y sabuwatan sa pangungurakot ng SAP tulad ng mga barangay kagawad, treasurer, secretary, administrator, project coordinator, executive officer, tanod at staff na nagkapera sa SAP distributions.
Ang mga sangkot sa ganitong uri ng ilegal na gawain sa barangay ay nahaharap sa paglabag sa Republic Act 2019 o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa Bayanihan Heal As One Act. Marapat ianunsiyo ng PNP-CIDG operatives ang resulta ng isinagawa nitong imbestigasyon at pangalanan sa publiko ang mga sangkot para maalisan ng maskara.
Mayroon pang mahigit sa 500 opisyal ng barangay na inakusahan ng pambubulsa, pagkaltas sa perang ayuda, pamimili ng binibigyan ng forms, pagsama sa listahan ng mga hindi kuwalipikado at paghingi ng ‘lagay’ sa mga benepisaryo bilang parte sa P5k-P8k SAP.
Sa Caloocan City, halimbawa, marami ang hindi nabigyan ng biyayang mula sa gobyerno dahil pinairal ang politika. Hindi isinali sa listahan ang mga hinihinalang hindi kaalyado, hindi kakampi o kalaban o personal na kaalitan ng mga barangay official. Resulta: marami sa hanay ng mga ‘poorest of the poor’ ang hindi nakinabang sa kabila ng pandemic. Maski ang ipinamamahaging P1K ng city government ay marami pa ang hindi nabibigyan na labis na ipinagtataka ni Mayor Oca Malapitan kung bakit ito nangyayari. Barangay rin ang sinisisi ng mga tao sa ganitong sistema.
“Public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve them with almost responsibility, integrity, loyalty, and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives. A public and employees of the Republic must know this Constitutioal provision by heart otherwise he has no business being in government.” Bahagi ‘yan ng nlalaman ng Section 1 at Section 2 ng Philippine Constitution.
Nagamit ang ‘Dura Lex Sed Lex’ sa isyu ng kontrobersiyal na ABS-CBN na ipinasara ng National Telecommunications Commission (NTC). ‘Di rin nakaligtas dito ang isang vendor na hinuli at ikinulong sa ‘di pagsusuot ng face mask, ang isang mayor na posibleng masuspinde sa di pagsunod sa curfew. Isang guro, isang constuction worker at isang security guard ang dinakip at pawang kinasuhan ng inciting to cedition sa paninirang puri at pambabastos kay Presidente Digong.
Para sa anumang komento o puna, mag-text lamang sa 09266481092 o mag-email sa [email protected].
Comments are closed.