DURANT BALIK-PINAS SA HULYO 8

Kevin Durant

MULING bibisita sa Filipinas si Golden State forward Kevin Durant sa Hulyo 8.

Ayon sa isang sports apparel giant, ibabahagi ng two-time Finals Most Valuable Player ang workouts at inspirational beliefs sa Pinoy basketball fans, lalo na yaong mga may problemang kinakaharap.

Ito ang unang pagkakataon na bibisita si Durant sa bansa bilang isang Nike athlete.

Nauna siyang bumisita sa Manila noong 2011 nang makalaro niya kasama ang iba pang NBA superstars ang PBA selection at ang Gilas Pilipinas national team sa NBA lockout.

Sa pagbisita ni Durant ay magkakaroon ng champion’s welcome na gaganapin sa 9th Avenue sa tapat ng Nike Park Fort sa Bonifacio Global City sa Hulyo 8, alas-12:30 ng hapon.

Magkakaroon ng pagkakataon ang fans na makita nang personal ang back-to-back champion, na susundan ng meet-and-greet session sa  store.

Tampok din ang training session nito sa mga piling basketball players na suking maglaro sa Nike Hyper Court.

“We are thrilled to have Kevin Durant with us this time around for the first time ever in Manila,” wika ni Nike Philippines marketing manager Jino Ferrer.

“Fresh off a recent amazing season, this is an opportune moment to welcome and celebrate his journey of hard work and perseverance, which brings him to where he is today, with all aspiring Filipino ballers,” sabi pa niya.

“We hope he will also be able to feel and experience the enthusiasm of the Filipinos’ puso, where basketball lies at the heart of the nation.”

Comments are closed.