“Good news! Fresh durian from the Philippines will soon be available in the Chinese market,” ayon sa Chinese Embassy.
Nabatid na nagtungo ng Davao region ang itinatag na assessment team ng China at nagsagawa ng market access investigation hinggil sa pagluluwas ng fresh durian mula Pilipinas.
Nakapaloob sa isinagawang imbestigasyon ang risk assessment sa mga taniman na pinag-aanihan, fruit packaging, pest monitoring, chemical control, Covid-19 prevention, at traceability system ng durian sa lugar.
Ayon sa embahada, umaasa sila na ngayong taon ay dadagsa na ang durian mula Davao sa kanilang mga pamilihan.
Sinasabing nitong 2021, China ang biggest durian importer, Kung saan umangkat ang China ng 822,000 tons ng durian sa halagang $4.21 billion, na lumpbo pa ng 82.4% kumpara sa naunang taon.
“In the first half of 2022, China’s durian imports increased by another 60%, making it the most imported fruit in the Chinese market,” ayon pa sa Chinese Embassy.
Sinasabing ang durian mula Davao region ay may mataas na kalidad bukod pa sa napakasarap.
“It is expected to win the hearts of Chinese durian lovers. As one of the most lucrative agricultural products, the entry of high-quality fresh durian from the Philippines into China with a population of 1.4 billion will benefit hundreds of thousands of Philippine fruit farmers and greatly increase the income of local growers in the Mindanao area,” ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian sa kanyang Facebook post kahapon.
“We also expect more fruits and agricultural products to be exported to China, as the trade relations between China and the Philippines grow even closer,” dagdag pa ng ambassador. VERLIN RUIZ