DUTCH ACTIVIST IPINADEDEPORT

IPADEDEPORT ng Bureau of Immigration (BI) sa lalong madaling panahon ang isang Dutch national matapos ipakansela ng BI Board of Commissioners ang kanyang residence visa dahil sa pakikilahok sa mga protest rally sa bansa.

Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Otto Rudolf De Vries na dumating sa bansa noong pang Setyembre 2019 bilang isang turista.

Batay sa report, nakita si De Vries na nakilahok sa isinagawang mga rally sa Mendiola, Pasig at iba pang lugar sa Metro Manila.

Nauna nang binatikos ang naging desisyon ng BI Board of Commissioners dahil sa wala umanong basehan at legal course ang ipinalabas na order laban sa cancellation ng residence visa ni De Vries noong Nob­yembre ng nakaraang taon.

Naghain ito ng motion for reconsideration ngunit nanindigan ang de BI Board of commissioner na hindi karapat dapat na manirahan sa bansa si De Vries dahil sa pakikilahok nito sa mga rally sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila na bilang dayuhan ay labag ito sa batas. FROILAN MORALLOS

One thought on “DUTCH ACTIVIST IPINADEDEPORT”

  1. 333179 79537I feel this is among the most vital info for me. And im glad reading your article. But wanna remark on few general issues, The internet site style is perfect, the articles is genuinely great : D. Excellent job, cheers 764278

Comments are closed.