DUTCH HOSTAGE, 7 MIYEMBRO NG ASG BULAGTA

hostage

SULU – PINATAY ng mga bandidong Abu Sayyaf ang Dutch bird watcher na pitong taon na nilang bihag nang magtangka itong tumakas sa kasagsagan ng nagaganap na military operation kahapon ng umaga sa Patikul.

Nasawi rin sa sinagawang opensibang militar si Mingayan Sahiron ang ikalawang asawa ni ASG leader Radullan Sahiron  at anim na  tauhan nito.

Sa ulat na ibinahagi ni Col. Gerry Besana, AFP Western Min­danao  Command spokesperson, binaril ng mga bandido si Ewold Horn habang tumatakas.

Bandang  alas-7:45 ng umaga isang focus military operation ang inilunsad ng 32nd Infantry Battalion laban sa grupo ng top Abu Sayyaf Group leader Radullan Sahiro  Sitio Bud Sub-Sub, Barangay Pansul.

“Military troops established blockade and encountered Sahiron’s group, composed of 30 fighters, at 7:41am today, leading to more than an hour of gunfight that killed six bandits and wounded 12 more,” ani  Brigadier General Divino Rey Pabayo, Jr., Joint Task Force Sulu Commander.

“After an hour and thirty minutes of gun battle, troops recovered the remains of Horn and that of Mingayan Sahiron, the second wife of the Abu Sayyaf top leader,” dagdag pa ni Pabayo.

Magugunitang si Horn ang tinuturing na pinakahuling banyagang bihag ng ASG  na tinatago sa kagubatan ng Sulu. Dinukot ito sa may Barangay Parangan, Pang­lima Sugala sa Tawi-Tawi noong Pebrero 1, 2012.

Samantala nabatid na may walong sundalo ang nasugatan sa nasabing engkuwentro, dalawa rito ay nagtamo ng tama ng bala habang anim sa kanila ang nagtamo ng shrapnel wounds. VERLIN RUIZ

Comments are closed.