TARGET ng administrasyon ni Pangulong Duterte na mag-relax muna sa pag-angkat ng asukal ngayong taon para mapigilan ang tumataas na halaga ng mga pangunahing bilihin, ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno.
Matapos na mag-relax sa pag-angkat ng bigas, susunod naman ang asukal, “next is sugar,” pahayag ni Diokno sa isang pa-nayam sa Maynila.
“Sugar in the Philippines is very expensive compared with global prices. We plan to deregulate or relax that industry,” pahayag ng Budget chief.
“Our target is within the year,” sabi niya.
Ang deregulasyon ng sugar importation ay kaugnay sa Administrative Order No. 13 ng Presidente na inisyu noong Setyembre 2018, kung kailan ang inflation ay nasa nine-year high ng 6.7 porsiyento.
“We have adopted a policy during the height of inflation,” sabi ni Diokno.
Ang panukala ng AO No. 13 ay para alisin ang non-tariff barriers sa pamamagitan ng pagpayag sa direktang pag-angkat ng in-dustriya bilang daan para maibaba ang input costs.
Ang kasalukuyang sugar importation system ay nagbibigay sa Sugar Regulatory Administration ng awtoridad na magtalaga ng “volume allocations” sa mga negosyante at grupo ng magsasaka.
“We are very restrictive in terms of agricultural commodities … so the next item will be sugar,” sabi pa ni Diokno.
“You have to relax the rules on importation—that puts pressure on the domestic economy to compete with the rest of the world,” dagdag pa niya.
Comments are closed.