PANGUNAHING nais tulungan ng Filipino League of Advocates for Good Governance ang mga mag-aaral sa Marawi City, Lanao del Sur na napilitang lumiban ng limang buwan sa paaralan bunsod ng giyera ng militar at Maute-ISIS noong Mayo 23 hanggang Oktubre 2017.
Kaya naman binuo ang The Moving Mountains for Marawi Rehabilitation Project sa anyo ng pagsulat ng libro na Duterte Chronicles: Storm from Davao, the Continuing Saga.
Ang nasabing aklat ay isinulat ni Edwin M. Cordevilla, isang journalist, poet at PR practitioner.
Kahapon, ang libro ay inilunsad sa Broadcasters’ Forum na itinataguyod ng Liga ng mga Brodkaster sa Pilipinas., Inc. (LBPI) sa pangunguna nina National Press Club President Rolando “Lakay” Gonzalo at LBPI Chairman Mike Abe sa Pink Bird Restaurant sa Scout Borromeo, Quezon City.
Sinabi ni Cordevilla na ninais niyang isulat ang pagkaluklok kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil isa siya sa naniniwala na mananalo ito sa halalan noong 2016 habang positibo ring magagawa nang maayos ang kaniyang plataporma.
Aniya, ang bahagi ng book sales ay ilalaan sa pagtulong sa mga biktima ng bakbakan sa Maute-ISIS at tropa ng pamahalaan lalo na ang mga mag-aaral na limang buwang hindi nakapag-aral dahil sa pagkawasak ng kanilang mga bahay, paaralan at panganib.
“The Filipino League of Advocates for Good Governance is seeking to deliver educational materials from nursery to elementary level students, a portion of the book sales will be translated into reading materials to augment for the time lost in a time conflict,” ayon pa kay Cordevilla.
Inanyayahan naman ng award-winning author ang lahat na bumili ng kopya ng Duterte Chronicles: Storm from Davao, The Continuing Saga upang malaman ang kasaysayan, mga hangad, hamon at kabiguan sa nakalipas na panahon.
“Nadagdagan na ang ating kaalaman tungkol sa Pangulo, nakatulong pa tayo,” wika pa ni Cordevilla. EUNICE C.
Comments are closed.