MAAARI nang maging aktibo sa international trade ang mga maliliit na negosyante makaraang maglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte sa paglikha ng Philippine Trade Facilitation Committee (PTFC) bilang tugon sa World Trade Organization at Trade Facilitation Agreement (WTO-FTA).
Alinsunod sa Executive Order No. 136 na nilagdaan ng Punong Ehekutibo noong Mayo 18, aakto ang WTO-FTA para simplehan at mapahusay ang customs procedures, gayundin ang pagpapatupad ng angkop na customs rules na magpapaliit ng gastusin sa trade transactions na magbibigay ng pagkakataon sa mga maliliit na negosyo na makibahagi sa international trade.
“To faithfully comply with our commitments under the WTO-FTA, there is a need to establish a body which would streamline and improve customs procedures and facilitate the implementation of rational, efficient and simple customs rules which will reduce the cost of trade transactions, and enable micro, small and medium-sized enterprises to participate more actively in international trade,” nakasaad sa EO No. 136.
Inatasan naman ng Pangulong Duterte ang Department of Finance (DOF) bilang chairperson ng PTFC, co-chaired ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Customs ang vice-chairperson.
Miyembro ng PTFC ang mga kinatawan ng Departments of Agriculture, Foreign Affairs, Environment and Natural Resources, at Transporation, National Economic and Development Authority, Tariff Commission, Bangko Sentral ng Pilipinas, DTI-Bureau of International Trade Relations, DTI-Bureau of Import Services, Food and Drug Administration, at ang Philippine Economic Zone Authority.
Tatawaging assistant director ang magiging kinatawan ng bawat miyembro nito at sila ang bibigyan ng awtoridad na magdesisyon para sa kanilang ahensiya. EVELYN QUIROZ
67380 442871hi and thanks for the actual blog post ive lately been searching regarding this specific advice on-line for sum hours these days as a result thanks 638787
28702 518253This will be a terrific website, may possibly you be interested in performing an interview about how you developed it? If so e-mail me! 377680
546790 515671whoah this weblog is great i like reading your articles. 313881