NILINAW ni Senador Christopher Bong Go na buo pa rin ang suporta nila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police sa gitna ng isyu ng ninja cops.
Sinabi ni Go na simula nang umupo sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016 ay agad nitong inasikaso na madagdagan ang suweldo ng mga pulis at maging ng mga sundalo dahil suportado niya ang mga uniformed personnel ng bansa.
Gayundin, sinabi ng senador na kahit nang magkakaso pa ang isang sundalo o pulis basta may kaugnayan ito sa pagganap sa kanilang tungkulin, susuportahan ito ng Pangulo.
Taliwas naman ito, kapag ang isang tiwaling pulis ay nagkakaso dahil sa mga kalokohan ay mismong ang Pangulo ang nagpa-follow up sa imbestigasyon laban sa mga ito upang matiyak na makakasuhan.
At bilang katunayan, naghain si Go ng panukalang batas sa Senado para sa legal assistance sa lahat ng mga uniformed personnel basta duty-connected ang isinampang kaso laban sa mga ito.
Kaya’t nanawagan ang senador na huwag sanang sayangin ng PNP ang naibalik na respeto ng sambayanan noong maupo sa puwesto si Pangulong Duterte nang dahil lamang sa mga bulok na pulis na nakakadamay. VICKY CERVALES
Comments are closed.