DUTERTE BUSY KAYA ‘DI NAKADALO SA MISA SA HANDOVER NG BALANGIGA BELLS

BALANGIGA BELLS

NILINAW   ng Mala­cañang na hindi iniiwasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pari at Obispo kaya hindi na ito dumalo sa “high mass” matapos ang “handover” ng Ba­langiga bells sa parokya ng Balangiga, Eastern Samar  kamakalawa.

Sa pahayag ng Ma­lacañang, maraming  aktibidad  ang Pangulo  at kailangan nitong makaa­lis kaagad kahapon.

Ayon pa sa Ma­lacañang, hindi na dapat dadalo si Pangulong Duterte sa “handover” ng mga makasaysayang kampana ngunit  pinagbigyan  pa rin  nito ang pakiusap ng  mga  taga-Eastern Samar.

Nauna rito ay inihayag  ng Pangulo na  hindi siya dadalo sa misa  dahil ayaw niyang makinig sa sermon o sasabihin ng mga paring Katoliko.

Samantala,  itinanggi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na itinaboy ng isang staff ni Duterte ang mga pari at ilang Catholic officials sa kasagsagan ng turnover ceremony ng Balangiga bells.

Sinabi ni Andanar na wala siyang nakitang staff na nagpaalis sa mga pari bago pa dumating si Pa­ngulong Duterte sa Ba­langiga Plaza.

Bukod dito, wala rin siyang nakitang itinaboy kundi ang nakita niya ay ang  pangungumusta   ng Pangulo sa kaniyang mga gabinete, mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ma­ging ang mga pari, kay Archbishop Romulo Valles, Papal Nuncio at ang Archbishop of the Military Ordi-nariate ng United States.

Saksi aniya ang publiko nang kamustahin ng Chief Executive si Valles.

Comments are closed.