NAKATAKDANG dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN-China Special Summit sa pamamagitan ng video conference bilang paggunita sa 30th anniversary ng dialogue relations.
Tugon ito sa imbitasyon ni Chinese President Xi Jinping upang talakayin ang mga achievement ng ASEAN-China Dialogue Relations sa nakalipas na tatlong dekada at maglatag ng mga plano sa hinaharap.
Magiging Co-chairman sa summit sina Xi at Sultan Haji Hassanal Bolkiah ng Brunei Darussalam, na kasalukuyang Chairman ng ASEAN 2021.
Kabilang sa mga inaasahang tatalakayin ang posisyon ng Pilipinas sa mga pangunahing aspeto ng kooperasyon at regional issues.
Makakasama ni Pangulong Duterte sa summit sina secretaries Teodoro locsin ng Foreign Affairs at Ramon Lopez ng Trade and Industry (DTI).