TULOY ang pagtulak ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan para sa enthronement ni Japan Emperor Naruhito.
Una nang naiulat na ipagpapaliban ang parada para sa enthronement ng emperor dahil sa pananalasa ng bagyong Hagibis, subalit ayon kay Senador Bong Go, walang ibang aktibidad na dadaluhan ang Pangulo maliban sa enthronement.
Sinabi ng senador na 5:30 ng hapon ngayong araw tutulak ang Pangulo patungo sa Japan.
Si Emperor Naruhito, 59, ay opisyal na nagsimulang manungkulan noong Mayo makaraang ang kanyang amang si Emperor Akihito ay bumaba sa trono dahil hindi na umano nito magampanan ang tungkulin dahil sa karamdaman.
Inaasahang sisimulan ang enthronement sa isang private ritual, kung saan mag-uulat ang emperor ng kanyang proclamation sa kanyang mga ninuno.
Saka ito lalabas kasama ang kanyang kabiyak, ang dating diplomat Empress Masako,sa ceremonial outfits sa Imperial Palace.
Dadaluhan ng mga dignataries mula sa buong mundo ang mahalagang seremonya, kasama sina Prince Charles ng United Kingdom at Saudi Arabia’s Crown Prince Mohammed bin Salman.
Inaasahan din na may 500,000 bilanggong nahatulan sa petty crimes ang mapalalaya bilang tanda ng enthronement.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na maaring magbigay ng tulong ang Filipinas sa Japan para sa mga naapektuhan ng bagyong Hagibis.
Comments are closed.