HINDI magdadalawang isip si Pangulong Rodrigo Duterte na lagdaan upang maging ganap na batas ang panukalang pagsasalegal sa medical marijuana sa bansa.
Kasalukuyang umaandar na sa Kamara ang House Bill number 6517 na naglalayong gawing legal ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa mga may kapansanan.
Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, matagal nang sinabi ni Pangulong Duterte ang kanyang posisyon sa pagsasalegal sa medical marijuana at handa itong lagdaan ang panukala para maging ganap na batas.
Ayon pa kay Panelo, kailangang magkaroon ng mahigpit na regulasyon upang matiyak na hindi maaabuso ang paggamit ng marijuana bilang gamot sa mga tunay na nangangailangan nito.
Muling nabuhay ang usapin sa medical marijuana matapos na direktang sagutin ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ang tanong na may kaugnayan sa legalisasyon ng marijuana.
Suportado rin ng Philippines Drugs Enforcement Agency (PDEA) ang naging opinyon ni Gray. “Miss Universe herself said no to recreational use, and that is our same stand. Because recreational use are those who consume the plant or any part of it,” pagsasang-ayon ni Carreon.
“If you are a doctor, you don’t say you take one stick a day. It is not the case. You don’t use the plant or a part of it for medicine. It is in controlled amount, extracted, in a tablet, capsule or vial. If it is a medical preparation, with minimal amounts, then logically there is good use for it because it has already been proven in certain studies,” paliwanag pa ng tagapagsalita ng PDEA.
Comments are closed.