DUTERTE ‘DI NA-EXPOSE KAY SARA NA NAGKA-COVID

TINIYAK  ng Malakanyang na ligtas si Pangulong Rodrigo Duterte sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Security Group commander Colonel Randolph Cabangbang, hindi na-expose ang Pangulo sa kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na nagpositibo sa COVID-19 kaya wala aniyang dahilan para mag-isolate ang Pangulo.

Una rito ay pinayuhan ng alkalde ang mga nakasalamuha na mag-self isolate at magpasuri kung nahawaan ng virus.

Ang huling public appearance ng Pangulong Duterte ay noong Oktubre 8 nang sinamahan nito ang mga senatorial candidate ng administrasyon na naghain ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) sa Sofitel Hotel sa Pasay City.

5 thoughts on “DUTERTE ‘DI NA-EXPOSE KAY SARA NA NAGKA-COVID”

  1. 45809 266636We are a group of volunteers and opening a new scheme in our community. Your web site given us with valuable info to function on. Youve done an impressive job and our entire community will probably be grateful to you. 370045

Comments are closed.