DUTERTE ‘DI NA INTERESADO SA BAGONG VFA

DUTERTE-41

HINDI na interesado pa si Pangulong Rodrigo Duterte na lumagda sa panibagong Visiting Forces Agreement (VFA) sa anumang bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, desidido ang Pa­ngulo na palakasin ang puwersa militar ng Fili­pinas.

Aniya, hindi nais ng Pangulo na makipag-alyansa sa ibang bansa dahil ang prayoridad nito ay palakasin ang puwersa ng Filipinas sa pamamagitan ng pagbili ng mga dekalibreng armas at iba pa.

Nauna rito, sinabi ni Gen. Felimon Santos Jr., hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na kabilang ang Japan, South Korea, Indonesia at China sa mga ikinokonsiderang bansa ng pamahalaan para kapalit sa ibinasurang VFA sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. DWIZ 882

Comments are closed.