DUTERTE, DTI NAGBIGAY NG SERBISYONG PANGNEGOSYO SA TAGA-MASBATE

DUTERTE-DTI

ALINSUNOD sa ipina­ngako ng administrasyon sa pagpapalago ng micro, small at medium enterprises (MSMEs) sa bansa, pinangunahan ni Presidente Rodrigo Duterte at ng Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez ang pagpapatupad ng Negosyo Serbisyo sa Barangay na ginanap sa Patio de Milagros Resort, Dimasalang, Masbate kamakailan.

Idiniin ni Secretary Lopez kung paano ang inisyatibo at programa ng DTI ay humantong sa patuloy na paglago ng MSMEs sa bansa sa pagdaan ng taon.

“President Rodrigo Duterte is determined to give all Filipinos a better quality of life, whether through more jobs or empowering them to become entrepreneurs. To ensure the latter, we have resolved to push the entrepreneurial revolution in the countryside so that our country’s economic growth will be all inclusive,” pahayag ng Trade Secretary.

Sa taong 2018, 1,049 Negosyo Centers na ang naitayo sa buong bansa, at 14 dito ay nasa Masbate.

Sa kasalukuyan, ang Kapatid Mentor ME (KMME) program sa Masbate ay nakatulong para lumikha ng 225 trabaho at nakakuha ng P5.75 million sa investments at P11.5 million sa benta.

Para mapigilan ang mga tao na pumatol sa mga nakabibigat na pautang, ang Pondo sa Pagbabago at Pag-asenso (P3) program, ang microfinancing arm ng departamento ay nag-release ng pautang sa mga sub-borrower sa Masbate na nagkakahalaga ng P11,890,000 na may 279 sub-borrowers na inindorso sa micro-financing institutes (MFIs). Isangdaan at labing pito (117) na sub-borrowers ay nakapag-renew na ng kanilang pag-utang.

Mayroon na ngayong 13 Shared Services Facilities (SSFs) na itinayo sa mga probinsiya na nagsisilbi sa 275 beneficiaries at lumikha ng 219 trabaho na may P4.52 million sa investments at P10.24 million sa dagdag na benta. Nagbibigay ang SSF program sa  MSMEs ng daan para sa teknolohiya at training para mapalawak ang kanilang produksiyon at mapahusay ang kalidad ng kanilang produksiyon at serbisyo.

Bukod dito, para mapalawak ang daan para sa merkado ng MSMEs, na­riyan ang Go Lokal! Program at Trade Fairs tulad ng Orgullo Kan Bikol na tumutulong para mailagay sa mainstream ang kanilang produkto. Gayundin ang programang One Town, One Product (OTOP) ay nakatulong na maglunsad ng 112 produkto mula sa Masbate— 102 ay produktong pagkain at 10 ay non-food products. Ang OTOP ay nagbibigay-daan sa mga lokalidad at komunidad para tingnan, pag-ibayuhin, suportahan at itaguyod ang culturally-rooted products o serbisyo kung saan sila ay magaling at mas kilala sa gawaing iyon.

ITULAK ANG PAGNENEGOSYO SA GRASS-ROOTS LEVEL

Sa pakikipag-partner sa Barangay Development Council (BDC), puwedeng maghandog ang DTI ng direkta sa mga nangangarap magnegos­yo sa mga barangay. Sa Barangay Micro Business Enterprises Act (or RA 9178) na nag-aalok ng business registration services sa barangay level, ang business registration sa Masbate ay umakyat mula sa 1,395 noong 2016 hanggang 2,696 noong 2017.

“That’s why at today’s event, livelihood seeding kits, P3 loans and even fishing and farming tools are available to those determined to start their own business as long as you fulfill requirements. Furthermore, you can get the skills training and the financing seed to become an entrepreneur as part of the Puhunang Regalo ng DTI (PRD), or the P500-challenge start up capital,” lahad ng hepe ng DTI.

Sa huling bahagi ng okasyon, pinangunahan ni President Duterte ang paggagawad ng award ng Livelihood Seeding Kits sa tatlong benepisyaryo mula sa  165 kits at sa 3 loan borrowers mula sa 10 P3 benepisyaryo.

Ang Livelihood Seeding Kits ay inis­yatibo ng DTI sa pamamagitan ng  Regional Operations Group (ROG) Assistant Secretary Demphna Du-Naga. Nanggaling ang pondo nito sa OTOP Philippines at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Ang pagtatagpong ito ay magsusuplay ng pangangaila­ngan ng mga benepisyaryo sa pamimigay ng seeding kits na nakapaloob ng pagsisimula para sa sari-sari store.

Comments are closed.