DUTERTE DUMALO SA GRADUATION  NG APONG SI ISABELLE

DUTERTE

DUMALO kahapon si Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation rites ng kanyang apo na si Isabelle Lo­velie Duterte na ginanap sa Philippine International Convention Center.

Si Isabelle na anak ng presidential-son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ay isa sa mga first batch ng senior high school graduates ng San beda College-Alabang.

Dumalo rin sa graduation rites ang mga magulang ni Isabelle na sina Paolo at Lovelie Sangkola-Sumera.

Nagtapos si Isabelle ng Humanities and Social Sciences (HUMSS) strand.

Kasama rin ng Pangulong Duterte sa nabanggit na okasyon si Special Assistant to the President Bong Go. Si Pangulong Duterte ay alumnus din ng San Beda College na ngayo’y San Beda University na kung saan siya nagtapos ng abogasya. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.