DUTERTE ECONOMIC!

Erick Balane Finance Insider

NAGPAPATULOY sa paglago ang ekonomiya ng administrasyong Duterte sa unti-unting pagganda ng sistema ng pan-gongolekta sa buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) dahil sa pagbulusok ng negosyo at pa­ngangalakal sa bansa.

Ayon sa Development Budget Coordinating Committee (DBCC), bagama’t lumalasap ng shortfall sa tax collections ang BIR, unti-unti namang nakababawi ang BOC nitong mga nakalipas na buwan.

Nakikita ng DBCC na kung mas hihigpitan pa ng BOC ang paglaban sa hijacking at smuggling ay magpapatuloy ang pagtaas ng koleksiyon sa Aduana.

Kung ganap sanang mawawakasan ang ‘never-ending KFR’ o kidnap for ransom sa hanay ng mga opisyal ng BIR, mas ga­ganda at makukuha nito ang inaasam na tax collection goal ngayong fiscal year at sa mga susunod pang taxable years.

Tanging ang dalawang collection agencies ang inaasahan ng gobyerno na makareresolba sa suliranin sa pangangailangan sa pondo upang igugol sa pet-project ni Pangulong ­Rodrigo ‘Digong’ Duterte na ‘Build-Build-Build’ upang mabilis na matapos ang proyektong pang-masa.

Kamakailan, inilabas naman ng American business magazine na Forbes ang talaan ng 10th Filipino business billionaires na may malaking ambag sa industriya ng panga­ngalakal sa Filipinas na siyang ugat ng gumagandang ekonomiya ng bansa.

Nangunguna pa rin sa listahang ito ang mga naiwang pamilya ni yumaong business-tycoon Henry Sy na siyang itinuturing na pinakamayaman, puma­ngalawa si former Senate President Manny Villar, pangatlo si John Gokongwei, pang-apat si late-George Ty at magkakasunod na sina businessmen Lucio Tan, Andrew Tan, Enrique Razon, Jr., Tony Tan Caktiong, Jaime Zobel de Ayala at Ramon Ang.

Hindi naman nababahala ang mga economic manager ni Pangulong Digong sa bahagyang pagbagsak ng tax collections ng BIR at dahil unti-unti namang nakababawi ang BOC.

Batay sa DBCC data, ang dalawang tax collection agencies ay naatasang kumolekta ng kabuuang P2.642 trillion.

Sa nasabing kabuang halaga, P2.005 trillion ang dapat makolekta ng BIR, samantalang P637.1  billion naman ang para sa BOC sa taong ito.

Paniwala ng mga tax expert na sa sandaling ga­nap na masugpo ang hijacking at smuggling  activities sa Aduana, mas gaganda pa ang takbo ng koleksiyon sa buwis.

Sinabi rin sa isang pag-aaral na kung mababawasan ang corruptions sa BIR at malulutas ang hindi masugpong kidnap for ransom activities sa hanay ng key officials, hindi malayong makuha nila ang target tax collections sa hinaharap.

Aminado ang mga economic manager ng Pangulong Duterte na kailangan ang totohanang paglilinis sa BIR at BOC dahil sa hindi masugpong corruptions sa nabanggit na  mga tanggapan.

Majority sa hanay ng mga economic manager ng gobyderno ay nagrekomenda sa Palasyo na magsagawa ng total revamp sa BIR at BOC.

Hindi anila sapat ang mga ipinatupad na reshuffle kamakailan sa BIR at BOC, kundi mas magiging epektibo at masusugpo ang katiwalian kung ang ipatu­tupad ng Pangulong Digong ay total revamp.



Para sa komento o opinyon, mag-text lamang po sa  09293652344/ 09266481092 o email:­[email protected]

Comments are closed.