MAAYOS ang kalagayan ni Pangulong Rodrigo Duterte, tiniyak ito ni Special Assistant to the President Bong Go matapos ang pagtama ng malakas na lindol sa Bali, Indonesia.
“Nagising siya. Ok lang naman,” pahayag ni Go.
Nakipagkita ang Pangulo sa kanyang Cabinet officials at pinag-usapan ang tungkol umano sa tsunami na posibleng kasunod ng lindol.
Nasa Bali si Duterte para dumalo sa Association of Southeast Asian Nations (Asean) at annual meetings ng International Monetary Fund and World Bank.
Base sa ulat, ang magnitude 6 na lindol sa Bali Sea ay kumitil ng tatlo katao sa katabing Java Island, at may mga gusaling nawasak.
Namataan ang epicenter ng malakas na lindol sa Bali Sea sa 40 kilometres (25 miles) silangan ng Java island, ayon sa USGS at naramdaman din sa Denpasar sa isla ng Bali.
Nitong buwan ng Setyembre, tumama ang magnitude 7.5 na lindol na sinundan ng tsunami sa isla ng Sulawesi, Indonesia na ikinasawi ng mahigit 2,000 katao.
Agosto naman, isa pang lindol ang tumama sa Lombok, Indonesia na pumatay naman sa 550 indibidwal.
Comments are closed.