DUTERTE, ‘GREAT’ SA APAT NA TAON

duterte

INILARAWAN ng Pa­lasyo ng Malakanyang na ‘great’ ang na­ging performance ni  Pangulong Rodrigo Duterte sa  apat na taong panunungkulan sa puwesto.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, kahit may kinakaharap na pandemya ang bansa dahil sa coronavirus disease (COVID-19), nagagampanan pa rin ng Pangulo ang kanyang tungkulin.

“So it’s been a great four years, mayroon po tayong pagsubok pero dahil mayroon tayong very sound fundamentals makakaahon din po tayo sa pagsubok ng CO­VID-19,” pahayag  pa ni Roque.

Ibinida ng Palasyo na  nakilala ang Filipinas bilang best performing pagdating sa  ekonomiya sa buong mundo.

Sinasabing under control ang inflation sa mga nagdaang taon habang maganda rin ang credit rating ng bansa sa international community, ngunit bunga  ng  pan­demya, hindi maikakaila na naapektuhan ang ekonomiya ng bansa at ng buong mundo.

Kung pag-uusapan  ang approval rating ay  hindi bumababa sa 80 porsiyento sa taumbayan ang ginagawa ng Pa­ngulo kasama na ang kampanya laban sa droga, dagdag pa ni Roque.

Mayorya rin  ng mga Filipino ang sumasang-ayon sa mga hakbang na ginawa ng Pangulo sa paglaban sa  COVID-19.

Comments are closed.