DUTERTE HANDANG MA-BILIBID

HANDA si Pangulong Rodrigo Duterte na makulong sa Bilibid prison sa Muntinlupa City.

Ito ang binigyang-diin ng Pangulong Duterte sa gitna ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs sa Pilipinas.

Ayon sa Pangulo, hindi siya papayag na mga dayuhan ang maglitis sa kanyang kaso.

Nanindigan naman ang Punong Ehekutibo na para sa kapakanan ng taumbayan at kinabukasan ng susunod na henerasyon ang inilargang giyera kontra droga. DWIZ882