HINDI seryoso si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pahayag na naging collateral ang extrajudicial killings sa kampanya ng kaniyang administrasyon laban sa ilegal na droga.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi seryoso ang Pangulo at hindi literal ang konteksto ng naging pahayag nito.
Ang nais umanong bigyang-diin ng Pangulo ay hindi siya corrupt at wala siyang ninanakaw sa gobyerno.
Sa kabilang dako, binalaan ni Roque ang mga kritiko ng Pangulo na hindi magagamit laban dito ang nasabing pahayag dahil hindi naman under oath o hindi sinumpaang salaysay ang naging pag-amin nito.
Sa ulat, malinaw umanong “admission of guilt” ang pahayag ng Pangulo na ang kaniyang tanging kasalanan ay extra-judicial killings.
Comments are closed.