NAGBANTA si Pangulong Rodrigo Duterte na isisiwalat niya sa panahon ng kampanya kung bakit hindi siya maaaring sumuporta sa ilang mga kandidato sa 2022 elections.
Binanggit naman ng presidente ang mga dating senador na sina Bongbong Marcos at Manny Pacquiao na kapwa tumatakbo sa pagka-pangulo para sa 2022 elections.
Nabatid na hindi nagustuhan ng Pangulo ang ‘turn of events’ sa tanggapan ng Commission on Elections kung saan naghain ang ilang kandidato ng certificate of candidacy na hindi inaaasahan ang mga posisyong tatakbuhan.
Kabilang sa mga naghain ng kandidatura sa pagka-bise presidente si Mayor Sara Duterte-Carpio habang sa pagkapangulo naman ang tatakbuhan ni Sen. Bong Go.
Hindi inaasahan ng Pangulo Duterte ang ginawang paghahain ng kanyang anak na si Inday Sara sa pagkabise presidente lamang.
Binanggit ng Pangulo sa isang panayam na ipinagtaka niya na nangunguna sa isang survey si Mayor Sara ngunit bilang ikalawang pangulo lamang.
Naniniwala si Pangulong Duterte na desisyon na ni Mayor Sara at dating Senador Bongbong Marcos ang pagtakbo nito sa pangalawang pangulo kung saan hindi nito pinangakuan na susuportahan ang dalawa.
Iginiit ng pangulo na kay Senador Bong Go lamang niya ibibigay ang kanyang buong suporta.
Inamin ng pangulo na naaawa ito para kay Senator Go dahil sa mga nangyayari kung saan ipinamalas nito ang kanyang katapatan at tagal sa serbisyong kasama ito sa paglilingkod sa bansa. DWIZ882