ITINANGGI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alegasyon ni presidential aspirant at retired military general Antonio Parlade na kontrolado siya ng kanyang long time aide na si Senador Bong Go.
Sinabi ng Pangulo na kailangan niya si Go, pero hindi ito nangangahulugan na kontrolado siya ni Go lalo na sa pagdedesisyon sa bansa.
Si Go ang chairman ng Senate committee on Health and demography kung kaya malaking tulong sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19,ayon pa sa Pangulo.
“Kailangan ko si Bong actually hindi sa lahat — because Bong is the Chairperson sa Senate Committee on Health and Demography. Health kanya eh so mabuti na lang siya nandito. But he does not control anybody, he does not control me, he is here to do his duty na may matanungan tayo kaagad. So iyon,” dagdag ng Pangulo.
Una nang pinabulaanan ni Go ang alegasyon ni Parlade.
Ayon kay Go, hindi na niya papatulan si Parlade, na kanyang makakalaban sa pagka-pangulo ng bansa sa 2022 elections.