LALAHOK si Pangulong Rodrigo Duterte, kasama ang kanyang mga counterpart mula sa 20 member-economies na kabilang sa Asia Pacific Economic Cooperation sa gaganaping 27th APEC Economic Leaders’ Meeting ngayong araw sa pamamagitan ng video conference.
Sa ipinalabas na statement mula sa Office of the Presidential Assistant on Foreign Affairs (OPAFA), inaasahang tatalakayin ng world leaders ang mga pagtugon upang mapagaan ang mga health at economic impact ng COVID-19 pandemic at maging ang economic recovery efforts ng bawat bansa.
Inaasahang isusulong ni Pangulong Duterte ang pananaw ng Filipinas sa APEC’s post-2020 vision at current challenges tungo sa multilateral trading system.
Ang naturang meeting na kasalukuyang pinangungunahan ng bansang Malaysia ay may temang “Optimising Human Potential Towards a Resilient Future of Shared Prosperity: Pivot. Prioritise. Progress.”
Ilan lamang sa mga priority area ng Malaysia’s chairmanship ay ang pagpapalakas ng trade and investment, inclusive economic participation sa pamamagitan ng digital economy at innovative technology.
Ayon sa OPAFA, ihaharap ng Managing Director ng International Monetary Fund (IMF) ang Global Economic Outlook sa mga lider ng bansang kasapi ng APEC.
Makakasama ni Pangulong Duterte sa nabanggit na economic leaders’ meeting sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at Trade and Industry Secretary Ramon Lopez.
Ang 21 member-economies ng APEC ay kinabibilangang ng Australia, Brunei Darussalam, Canada, Chile, China, Hong Kong, Indonesia, Japan, South Korea, Malaysia, Mexico, New Zealand, Papua New Guinea, Peru, Philippines, Russia, Singapore, Chinese Taipei, Thailand, United States, at Vietnam. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.