TUTULAK na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte patungong Russia.
Kasama ng Pangulo sina Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., Finance Secretary Carlos Dominguez, at Trade Secretary Ramon Lopez.
Inaasahang malalagdaan ang ilang bilateral agreements na may kaugnayan sa kultura, kalusugan at pananaliksik.
Nakatakdang makipagpulong ang Pangulo kay Russian President Vladimir Putin at magpapalitan ng pananaw tungkol ng regional at global developments.