WALANG dapat na ipag-alala sa kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang tiniyak kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque makaraang ilang beses na nagsuka ang Pangulo sa loob ng eroplano pabalik ng Pilipinas mula sa South Korea.
“This has been a recurring problem of the President. He’s been suffering from migraine from time to time,” wika ni Roque.
Paliwanag pa ni Roque na ang karamdamang ito ng Pangulo ay may kinalaman sa kanyang naging aksidente sa motorsiklo.
Sumumpong ang migraine ng Pangulo habang nasa eroplano kung kaya’t hindi na nakuha pang makisalamuha sa mga pasaherong lulan ng commercial flight pabalik ng Pilpinas.
“But of the many trips I’ve been with the President, this is the first time he had a migraine attack in the plane. But I think it’s the first time I saw him suffer from this migraine and yes, sinabi naman niya na he was sick on the flight because of the migraine,” giit pa ni Roque.
“Otherwise, his health is good. It’s the first time I saw him suffer from a migraine and I have gone on at least six of seven trips with him,” dagdag pa ni Roque
Maliban sa migraine ay nanatiling nasa mabuting kondisyon ang kalusugan ng Pangulo.
Nauna nang inamin ng Pangulo na mayroon siyang mga karamdaman kabilang na ang Barrett’s esophagus, Buerger’s disease, respiratory infection at slipped disc. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.