MAGBIBIGAY ng public address ang Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Abril 12.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang dalawang linggong walang public appearance ang Pangulo.
Ito na rin ang regular na “Talk to the People” ng Pangulo.
Matatandaang hindi itinuloy ng Pangulo ang “Talk to the People” noong Lunes at Miyerkoles dahil sa rami ng tauhan ng Presidential Security Group na nag-positibo sa COVID-19.
Gabi naman ng Biyernes nang ilabas ni Senador Bong Go abg karawan ng Pangulo na nagdya-jogging sa Malacanan compound.
Nakasuot pa ng face shield at face mask ang Pangulo at nakita rin na ito at sumakay ng motorsiklo.
Ang mga larawan ay patunay na maayos ang kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.
Nanawagan pa si Go sa publiko na suportahan ang Pangulo dahil malungkot at mahirap ang maging Pangulo ng bansa lalo na sa panahon ng pandemya sa COVID-19.
“Mga kababayan ko, malungkot at mahirap ang maging Pangulo sa panahong ito. Suportahan natin si Tatay Digong, ang taong totoong nagmamahal sa ating kapwa Filipino,” pahayag sa post ni Go sa social media.
Matatandaang hinahanap ng taumbayan ang Pangulo matapos makansela ang nakatakdang “Talk to the People” noong Lunes at Miyerkoles.
Pero ayon kay Go, walang dapat na ipag-alala dahil nasa maayos na kalagayan ang Pangulo. PMRT
376089 995538Cool post thanks! We believe your articles are fantastic and hope a lot more soon. We adore anything to do with word games/word play. 790663
641212 737451This post is dedicated to all people who know what is billiard table; to all those who do not know what is pool table; to all those who want to know what is billiards; 90337
8865 26936have to do first? Most entrepreneurs are so overwhelmed with their online business plans that 853169