NAGBABALA si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpapatupad ng mga radikal na pagbabago sa darating na mga araw kasabay ng aniya’y paggamit ng kanyang emergency powers kung kinakailangan.
“I am warning you criminals, all of you. Those in the government, those outside. I will make the radical changes in the days to come,” giit pa ng Pangulong Duterte sa ginanap na press conference nang dumating noong Martes ng gabi mula sa Seoul, South Korea.
For the government offices, which could not be controlled despite his warnings from engaging in corruption, he said, “I will place you under the Office of the President. You will face me everyday,” dagdag pa ng Pangulo.
Nagpasalamat ang Pangulo at nabigyan siya ng pagkakataon na makapagsilbi sa bayan kung kaya’t gagawin niya kung ano ang nararapat at mailagay sa ayos kung ano ang dapat na maisaayos.
Ayon sa Pangulo, ang mga pagbabagong magaganap sa darating na mga araw ay may kinalaman sa public order at security.
“There are simply too many crimes and too many – claiming to be this and that,” wika ng Pangulo.
Marami pa rin aniyang mga krimeng nagaganap kabilang na ang kidnapping at kabi-kabilang patayan.
“So I’ve been warning all. I’m warning all including the human rights (groups), it’s either we behave or we will have a serious problem again,” sabi pa ng Pangulo.
Ipinaliwanag pa ng chief executive na wala namang malaking pagkakaiba ang Martial Law at deklarasyon ng national emergency.
Hindi rin nito pinalagpas ang human rights groups na patuloy ang pagbatikos sa madugong giyera ng pamahalaan kontra sa ilegal na droga.
“Well, somehow, even with this meager emergency power, I will use it to the hilt and put things in order,” dagdag pa niya.
Gayunman, tumanggi si Duterte na tukuyin kung ano talaga ang kanyang gagawin.
Nananatili pa rin ang Martial Law sa Mindanao habang ang iba pang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng state of emergency.
Idineklara ang state of national emergency makaraan ang pambobomba sa night market sa Davao City noong Setyembre 2, 2016 na ikinasawi ng 14 katao at pagkasugat ng 67 iba pa. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.