BINALAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese national na magtutungo ng Filipinas.
Sa kaniyang talumpati sa business forum sa Beijing ay nagbanta ang Pangulong Duterte na papatayin niya ang mga Chinese na pupunta ng Filipinas na sangkot sa illegal drug trade at iba pang krimen.
Sinabi nitong kung sumusunod naman sa batas ang mga Chinese gaya ng mga negosyante ay poprotektahan pa sila ng gobyerno.
Kaugnay nito ay hiningi ng Pangulo ang tulong ng China sa pagtugon sa mga krimen sa Filipinas na kinasangkutan ng Chinese nationals.Samantala, napagkasunduan na ng China at Filipinas na bumuo ng ‘working group’ para sa pag-uusap sa commercial oil at gas sa West Philippine Sea.
Ayon kay Philippine Ambassador to China Chito Sta. Romana, magiging bahagi ng working group ang Philippine National Oil Company (PNOC) at China National Offshore Oil Corporation (CNOOC) habang ang Philippine at Chinese energy ministries at iba pang ahensiya ay magiging bahagi ng komite.
Comments are closed.