DUTERTE NAGBIGAY NG DAHILAN BAKIT ‘DI BUMOTO

THE better option is to really skip the voting.

Ito ang ibinigay na dahilan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi siya bumoto sa barangay elections noong Lunes.

Sa ambush interview noong Lunes ng gabi sa pagdalaw sa burol ni dating Senate President Edgardo Angara sa Heritage Park sa Taguig, sinabi ng Pangulo na lahat ng kumandidato sa barangay elections ay kanyang mga kaibigan.

Sa Davao City, ang mga kumandidato ay kanya namang mga tagasuporta noong nakaraang 2016 national elections.

Ayon sa Pangulo, kung bumoto siya, tiyak na may kandidatong magdududa kung sino ang kanyang ibinoto.

Kaya para mabura ang mga pagdududa, sinabi ng Pangulo na pinili na lamang niya ang huwag nang bomoto.

Naging abala ang Pa­ngulo sa pagmo-monitor ng katatapos na barangay elections sa buong bansa.

“So tingin ko the better option would really be to just skip the voting kasi ayaw kong magduda sila,” wika ng Pangulo.

“Mag-iwas na lang ako.kasi for one reason or another, some or all men were… isa talaga sa amin ang binoto, may pinili si mayor” dagdag pa ng Pangulo.

Lahat halos aniya ng mga kandidato ay pinagkakautangan niya ng loob dahil sa pagtulong sa kanya noong nakaraang presiden-tial elections.

Ang Pangulo ay bumoboto sa  isa sa mga pre­sinto ng Daniel R. Aguinaldo High School sa Matina Talomo District sa Davao City.  EVELYN QUIROZ

 

 

 

Comments are closed.