NAGPAALALA kahapon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga bagong hirang na opisyal ng gobyerno na maging patnubay sa pagtahak sa larangan ng paglilingkod sa sambayanan.
Ayon sa Pangulong Duterte, mahalagang mapanatiling buhay sa katauhan ng sambayanan ang pagtitiwala sa mga taong gobyerno na naitalaga sa kani-kanilang mga puwesto.
“That is why halfway through my term, we still continue to pursue meaningful and lasting change in all levels of bureaucracy,” wika pa ng Pangulo sa kanyang talumpati sa oath taking ceremony na ginanap sa Heroes Hall ng Malakanyang.
Sinabi ng Pangulo na umaasa siya na magbibigay ng tunay na paglilingkod at katapatan sa serbisyo ang may 350 nanumpang opisyal ng gobyerno.
“I congratulate you for this milestone in your careers and I also thank you for accepting the challenge to serve — I repeat to serve our people through our — through your respective offices.” sabi pa ng Pangulo.
Binigyang-diin ng Pangulo na seryoso ang administrasyong Duterte sa paglaban sa katiwalian sa pamahalaan at pinaalalahanan ang mga bagong opisyal na sugpuin din ang red tape sa burukrasya upang maipadama sa sambayanan ang hangaring magbigay ng tunay na serbisyo publiko. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.