LIBO-LIBO katao ang dumalo sa “Salamat PRRD” thanksgiving concert ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Linggo.
Hindi napigilan ng malakas na ulan ang mga nanood ng concert at pumunta ng Quirino na nagsilbi ring venue ng miting de avance ni Duterte noong 2016 elections.
Ayon kay Njel De Mesa, event coordinator ng Salamat PRRD, ang nasabing aktibidad ay pasasalamat din ng supporters at fans na tumindig para sa Pangulo sa kabila ng mga batikos.
Dakong ala-7 kagabi nang dumating ang Pangulo kasama ang partner nitong si Honeylet Avancena sa Grandstand kasama ang ilan pang outgoing at incoming government officials tulad nina Senador Bong Go, Imee Marcos at Senator-elect Robin Padilla.
Umawit pa ang Pangulo ng paborito niyang ‘Ikaw’ saka nagpasalamat at yumukod sa mga naroroon.
Kabilang din sa mga nagtanghal sina Andrew E., Chad Borja, Dulce, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Isay Alvarez, Jed Madela, Jimmy Bondoc, Martin Nievera at Moymoy Palaboy. DWIZ882