NAGPAHAYAG si dating Pangulong Rodrigo Duterte ng kahandaang humarap sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).
Sa pagdinig ng Quad Comm sa Kamara, araw ng Miyerkoles, tahasang sinabi ni Duterte na hindi siya natatakot sa ICC.
Hinikayat nito ang ICC na bilisan ang imbestigasyon sa kanya dahil baka umano mamatay na siya at hindi na siya maimbestigahan sa umano’y extra judicial killings na naganap sa ilalim ng ipinatupad niyang war on drugs.
Kung pwede aniya ay bukas na magpunta sa bansa ang mga kinatawan ng ICC.
“So, I am asking the ICC, through you, na magpunta na sila dito, bukas. Umpisahan na nila ang investigation. If I am found guilty I will go to prison and rot there for all time,” dagdag ng 79- anyos na dating pangulo.
“Bigyan mo ako ng pera, ako na pumunta ng ICC doon, ako na mismo magpaimbestiga doon,” ang hamon pa nito.
PMRT