DUTERTE NAKAKUHA NG HIGH APPROVAL AT TRUST RATINGS, CABINET OFFICIALS, BINIGYAN NG POSITIBONG GRADO

NAPANATILI  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang high approval at trust ratings nito, mahigit isang taon at kalahati na simula nang mag-umpisa ang coronavirus crisis na nakaapekto sa kabuhayan ng milyon-milyong Pinoy, ayon sa isang independent pollster.

Ayon sa RP- Mission and Development Foundation (RPMD) survey, si Pang. Duterte ay nagkamit ng overall approval rating na 77% sa National Capital Region (NCR) at trust rating na 72%.

Samantala, sina Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Sec. Eduardo Año ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Sec. Mark Villar ng Department of Works and Highways (DPWH), Sec. Arthur Tugade ng Department of Transportation (DOTr), at Sec. Ramon Lopez ng Department of Trade and Industry (DTI), ang siyang tinanghal naman bilang top five performers sa government agency officials sa National Capital Region (NCR).

Batay sa survey, si Abalos ay nakakuha ng 70% approval rating para sa kanyang performance, habang si Año ay 68%, kasunod si Villar na may 66%, Tugade na may 65% at Lopez na may 63%.

Ang itinuturing na most trusted agencies ay ang Department of Justice (68%) na pinamumunuan ni Sec. Menardo Guevarra, Department of Tourism (65%) na pinamumunuan ni Sec. Bernadette Romulo Puyat at Department of Foreign Affairs (63%) na pinangangasiwaan ni Sec. Teodoro Locsin Jr.

Ang overall public satisfaction ng mga cabinet official ni Pang. Duterte sa kabuuan ay 57% rating.

Nabatid na ang survey na isinagawa ng RP- Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc), ay isang independent at non-commissioned survey na may 3,500 respondents sa NCR noong Hulyo 3-10, 2021.

Anang pollster, ang job performance ratings at achievements ng mga opisyal ay kinakailangang patuloy na minomonitor upang mai-assess at mabatid ang pagiging epektibo ng kanilang mga programa para sa pagsuporta sa mga mamamayan ngayong panahong ng pandemya.

Ang ahensiya ng gobyerno na kanilang kinabibilangan ay dapat ding i-evaluate upang matukoy kung ang inisyatiba ng mga ito ay tunay na nakatutulong para makaahon ang mga mamamayan mula sa kasalukuyang hamon na kinakaharap sa kanilang mga kabuhayan.

Nasa 15 Cabinet officials ang ini-assess sa survey at 10 sa kanila ang nakakuha ng high approval ratings habang lima ang nangangailangan ng pagbabago o improvement.

Anito pa, ngayong panahon ng pandemya ang pangangailangan at prayoridad ng mga tao ay nagkaroon ng malaking pagbabago kaya’t kinakailangan ng mga lider ng pamahalaan na harapin ito sa mas epektibong pamamaraan.

Ang mga naturang inisyatiba ay kinikilala rin sa social media ng mga constituent at ng mainstream media, ayon naman kay Phyns Patalinghug, political analyst consultant ng RPMD.

“In our current trending political analytics, President Rodrigo Duterte’s performance rating is still commendable in spite of the challenges that he is currently facing. Majority of the constituents appreciate the efforts he has done in NCR. The “Duterte” family name has embedded it’s brand name in the society wherein the possibility of her daughter running for a political position will be a great advantage,” ayon naman kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

8 thoughts on “DUTERTE NAKAKUHA NG HIGH APPROVAL AT TRUST RATINGS, CABINET OFFICIALS, BINIGYAN NG POSITIBONG GRADO”

  1. 430561 392353I discovered your blog internet internet site on bing and appearance several of your early posts. Preserve up the quite very good operate. I just now additional the RSS feed to my MSN News Reader. Seeking toward reading far more on your part down the road! 937654

Comments are closed.