DUTERTE NAKAUWI NA NG DAVAO

DUTERTE-41

NAKAUWI  na rin sa wakas si Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City  madaling araw ng Sabado.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na mula sa Palasyo ng  Malakanyang, nakarating ang Pangulo sa Villamor Airbase sa Pasay City alas -12:09 ng madaling araw at nakaalis sakay ng isang private plane papuntang Davao ng 12:30 ng madaling araw.

Nakarating ang Pangulo sa Davao City pasado alas-2:00  ng madaling araw.

Nitong  Abril 26  ay inihayag ng Pangulo  na hindi siya pinayagan ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na makauwi dahil sa banta ng COVID-19 kaya nanatili ito sa Palasyo.

Hindi rin  nakadalo ang Pangulo sa kaarawan ng kanyang long-time partner na si Honeylet, anak na si Kitty at kanyang apo.

Comments are closed.